3 Barangay sa South Cotabato, isinailalim sa State of Calamity

Regional

Isinailalim na sa State of Calamity ang tatlong Barangay sa Bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.

Ito ay matapos magdulot ng masangsang na amoy ang nangyaring fish kill sa nasabing bayan.

Libo-libong residente ang apektado mula sa mga barangay ng Poblacion, Takunel at Bacdulo.

Tinatayang aabot sa sampung toneladang isda ang nadamay sa nangyaring fish kill.

Umapela ng tulong ang mga apektadong residente na agad maalis ang mga namatay na mga isda dahil sa umaalingasaw na amoy sa paligid.

Apektado na rin ang turismo sa nasabing bayan dahil sa nangyaring fish kill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *