Cesar Mancao, sumuko na sa PNP

National News

Sumuko na Sa Philippine National Police si Dating Senior Superintendent Cesar Mancao, isa sa mga suspek sa pagpatay sa publicist na Salvador “Bubby” Dacer at ang driver nitong si Emmanuel Corbito.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Head Senior Superintendent Belli Tamayo, sumuko si Mancao sa kanilang tanggapan noong lunes.

Nasa kustodiya na ito ng CIDG-NCR habang hinihintay ang commitment order.

Tumakas si Mancao sa National Bureau of Investigation noong mayo 2013 matapos magreklamo na lahat ng mga pangunahing akusado ay abswelto na sa kaso maliban sa kanya.

Bukod kay Mancao, sangkot din sa Dacer-Corbito double murder case si ngayo’y anti-kidnapping group Senior Superintendent Glenn Dumlao at senior superintendent Michael Ray Aquino na lumipad pa patungong amerika.

Kabilang din sa akusado si dating Presidential Anti-Organized Crime Task Force Head at ngayo’y Senador Panfilo Lacson na umano’y mastermind sa pagpatay.

Pero inabswelto na ito ng Court of Appeals at pinagtibay rin ng korte suprema ang nasabing desisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *