U.S Embassy, itinangging may imbakan ng armas sa Pilipinas

National News

Mariing itinanggi ng U.S Embassy sa Maynila ang impormasyong nagtatayo ang Estados Unidos ng imbakan ng armas sa Pilipinas.

Ito ang tugon ni U.S Embassy Spokesperson Molly Koscina sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa U.S Armed Forces na ihinto ang pagdidiskarga ng armas.

Sinabi ni Koscina na walang arms depot ang Amerika sa Pilipinas.

Binigyang diin nito na walang plano ang kanilang gobyerno na magtayo ng arms depot sa bansa.

Ayon sa opisyal, walang intensyon ang Estados Unidos na buhayin ang kanilang mga base militar sa bansa.

Ani Koscina, kung mayroon mang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA, ito ay kasunduan lamang para sa pagpapalitan ng kasanayan ng dalawang bansa at hindi kasama ang pagtatayo ng permanent bases sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *