40 sugatan sa sunog sa Cavite

National News

Wala pang opisyal na bilang ng mga nasugatan at pinangangambahang nasawi sa sunog sa Cavite Economic Zone sa General Trias, Cavite

Pero ayon kay Cavite Governor Boying Remulla, apatnapu pa ang nasa dalawang ospital.

Sampu sa mga ito ay lubhang nasugatan at nagtamo ng third-degree burns.

Ani Remulla, dahil sa pitumpu hanggang siyamnapung porsyento ng kanilang katawan ang nasunog, ililipat ang mga ito sa Philippine General Hospital sa Maynila.

Nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa Philippine Red Cross at Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa posibleng pagrerekober ng mga bangkay oras na tuluyan nang maapula ang sunog.

Tinatayang nasa pitong bilyong piso naman ang halaga ng ari-ariang napinsala sa sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *