Bahay ni Dr. Joel Mendez, sinalakay ng NCRPO at SSS

National News

Sinalakay ng Social Security System at National Capital Region Police Office ang bahay ni Dr. Joel Mendez sa Quezon City.

Ito’y dahil sa paglabag umano ng Celebrity Doctor sa Sss Law.

Nasa 1.8 milyong piso ang halaga ng SSS Contributions ng kanyang apatnapung empleyado ang hinahabol ng SSS kay Mendez.

Pero bigong maaresto si Mendez dahil ayon sa mga katiwala ay nasa Cagayan De Oro City ito.

Nahaharap si Mendez sa multa at posibleng pagkakakulong ng anim hanggang pitong taon kung mapatunayang nagkasala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *