Cavite, hindi magpapatupad ng state of calamity sa kabila ng nagpapatuloy na sunog doon

Metro News

Hindi magdedeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng General Trias sa Cavite kaugnay ng nagpapatuloy na sunog doon.

Ayon kay Cavite Governor Boying Remulla, kaya ng pondo ng kanilang lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima.

Aniya, ang lokal na pamahalaan ang sumasagot sa operasyong isinasagawa at pinapakain ang mga kabilang sa operasyon.

Samantala, dalawa pa ang kritikal na binabantayan at walang nasawi.

Tiniyak din ni Remulla na wala silang itatago sa gagawing imbestigasyon.

Tinatayang nasa labindalawa hanggang labinlimang bilyong piso ang pinsala sa sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *