DOT, ipinagmamalaki ang best beaches ang Isla De Sta. Cruz sa Zamboanga City

National News

Ipinagmalaki ng Department of Tourism ang pagkilala na natanggap ng bansa makaraang pumasok sa 21 Best Beaches in the World ang Great Sta. Cruz Island o Isla De Sta. Cruz mula sa Zamboanga City.

Sinabi ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo, pumasok ang naturang isla sa listahang ginawa ng National Geographic.

Bukod sa pagkilala sa ganda ng naturang isla, pasok din ang Pilipinas sa listahan ng National Geaographic list of top Destinations for 2016.

Ang nasabing isla ay nasa pangangalaga ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA, kung kayat limitado lamang ang mga dumadalaw na turista kada araw upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan nito.

Tiniyak naman ng DOT na mas pagtutuunan pa nila ng pansin ang pag-preserba ng mga kahalintulad na isla sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *