Malaking sindikato, nasa likod umano ng grupo ni SPO3 Ricky Sta. Isabel ayon sa anti-kidnapping group

National News

Malaking grupo ng sindikato at matataas na tao.

Ito ang nakikitang posibilidad ng Philippine National Police anti-kidnapping group na nasa likod ng grupo ni SPO3 Ricky Sta. Isabel, na suspek sa pagdukot at pagpatay sa South Korean Businessman na si Jee Ick Joo.

Sinabi ni AKG Director Glenn Dumlao, batay ito sa naging pahayag ni Supt. Rafael Dumlao, team leader ng AKG at sangkot din sa nasabing krimen.

Hinimok din ni Glenn Dumlao si Rafael Dumlao na kung wala itong kasalanan ay sabihin na lang ang lahat ng kaniyang buong mga nalalaman.

Mangiyak-iyak din si Rafael Dumlao sa pagsagot nito sa tanong kung natatakot ba ito kay Sta. Isabel.

Simpleng sagot lamang ang sinabi ni Rafael Dumlao na “hindi niyo sila kaya, marami sila”.

Sa kabila nito, tiniyak ni Supt. Glenn Dumlao na handa nilang banggain kahit sino pa man ang malalaking taong ito na nasa likod ng pagpatay kay Jee.

Kasunod ito ng kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na malutas ang kaso at mapanagot ang lahat ng nasa likod ng nakakahiyang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *