Pasang Masda: Walang jeep phase-out

National News

Idinepensa ni Pasang Masda National President Obet Martin ang ipinoprotestang jeepney phase-out ng iba pang transport groups.

Ani Martin, walang mangyayaring phase-out ng mga jeep at sa halip ay modernisasyon lang ang gagawin.

Ayon pa sa transport leader, marami na ang nagpakita ng suporta para mamodernisa ang mga jeep.

Kailangan aniya ito para sa kaligtasan ng mga pasahero at para na rin sa kapaligiran.

Ang Pasang Masda ay hindi sumama sa isinagawang tigil-pasada ng iba pang transport groups kontra sa jeepney phase-out.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *