2 domestic flights kanselado dahil sa masamang panahon

National News

Kanselado ang dalawang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang Flight 5j 504 na biyaheng Manila-Tuguegarao at Flight 5J 505 na biyaheng Tuguegarao-Manila ngCebu Pacific.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang mga ticket.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan sa Northern Luzon kabilang na ang Tuguegarao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *