US Justice Department idinepensa ang travel ban

International News

Dinepensahan ng US Department of Justice ang travel ban ni US President Donald Trump.

Sinabi ng departamento na ang naturang ban ay kapangyarihan ng pangulo at hindi nangangahulugang partikular na pagba-ban sa mga Muslim.

Hinimok din nito ang Appeals Court na katigan ang travel ban para na rin sa seguridad ng bansa.

Sa executive order, pansamantalang ipinagbawal ang pagpasok sa Amerika ng lahat ng refugees at turista mula sa pitong bansang Muslim.

Kabilang sa mga ito ang Iran, Iraq, Libya, Somalia, Sudan, Syria at Yemen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *