5 miyembro ng Abu Sayyaf patay sa bakbakan sa Sulu

Regional

Patay ang limang miyembro ng Abu Sayyaf samantalang isa ang naaresto sa isinagawang operasyon ng militar sa Sitio Talok Talok, Capual, Sulu.

Ayon kay Major General Carlito Galvez, Commander ng Western Mindanao Command, ang mga napatay at naaresto ay mga tauhan umano ni Abu Sayyaf Sub-Leader Alhabsy Misaya.

Narekober naman sa lugar ng sagupaan ang high-powered firearms kabilang na ang apat na m-16 at apat na m-14 at iba pang kagamitan ng mga bandido.

Samantala, ibibigay naman sa mga pamilya ng nasawing mga bandido ang mga bangkay ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *