Mga maka-kaliwang Gabinete, hinimok si Pang. Duterte na pag-isipang muli ang pagbasura sa peace talks

National News

Hinimok ng mga maka-kaliwang Gabinete si Pangulong Rodrigo na irekonsidera ang desisyon nito na ibasura ang peace talks  sa mga komunista.

Sa joint statement, ipinahayag nina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at National Anti-Poverty Commission Chairman Liza Maza na kaisa sila sa panawagang ituloy ang negosasyong pangkapayapaan.

Anila, hindi dapat sayangin ng gobyerno ang mga nakamit nang inisyal na tagumpay sa negosasyon at lalo’t nakatakda na sanang pag-usapan ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) na pinaka-kaluluwa umano ng peace talks.

Sinabi rin ng mga ito na patuloy silang makikipag-engage sa loob ng Gabinete at administrasyon kahit na itinigil ang negosasyon.

Usap-usapan naman na dahil sa naunsyaming peace talks, matutulad ang tatlong gabinete sa sinapit si Vice President Leni Robredo na mistulang sinibak sa gabinete.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *