Pagbuhay ng parusang bitay sa bansa walang mabigat na dahilan ayon sa Philippine Commission on Women

National News

Walang “compelling reason” para buhayin ang parusang bitay sa bansa kung bumaba naman ang bilang ng krimen.

Ayon kay Philippine Commission on Women (PCW) Planning Officer III Janice Brigola, mismong si Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa ang nagsabing may malaking pagbaba sa mga kaso ng rape at iba pang krimen.

Punto pa ni Brigola, nakasaad sa konstitusyon na exception lamang ang death penalty at papayagan lamang ito kung mayroong mabigat at kapanipaniwalang dahilan.

Kaya kung pagbabatayan aniya ang datos na ibinibigay ng PNP ay walang dahilan at sapat na kondisyon para ibalik ang parusang kamatayan.

Nangangamba rin umano ang PCW na magiging mapanganib ang death penalty sa mga kabataang nagkakasala lalo na’t may panukalang babaan ang age of criminal liability.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *