Arraignment sa kasong graft ni dating COMELEC Chairman Abalos, ipinagpaliban

National News

Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kay dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos.

Naipagpaliban ang arraignment kay Abalos dahil sa nakabinbing motion for reconsideration para iapela ang desisyon ng korte na ituloy ang kasong graft.

Itinakda ang pagbasa ng sakdal kay Abalos sa Abril 27.

Nag-ugat ang kasong graft ni Abalos dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng dalawang service vehicles noong 2003 na hindi dumaan sa public bidding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *