Cong. Arroyo, nanganganib na masibak bilang Deputy Speaker sa pagkontra sa death penalty

National News

Posibleng masibak si House Speaker Pantaleon Alvarez si Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang Deputy Speaker ng 17th Congress.

Ito ay matapos tumutol si Arroyo sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen.

Kasabay nito, inatasan ni Alvarez si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na kausapin ang dating pangulo.

Bukod kay Arroyo, posibleng masibak din sa posisyon ang iba pang house leaders at mga kongresistang miyembro ng super majority na tutol sa death penalty.

Paliwanag ni Alvarez, magiging mahirap lamang daw kung mismong mga house leaders ay hindi tugma ang pananaw at prinsipyo sa liderato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *