Congressman Alvarez, hindi takot na masibak bilang House Speaker sakaling magkaroon ng kudeta sa Kamara

National News

Hindi natitinag si House Speaker Pantaleon Alvarez sakaling magkaroon ng kudeta laban sa kaniya.

Ito ang naging reaksyon ng kongresista matapos ang caucus ng super majority para talakayin ang death penalty bill.

Sinabi ni Alvarez na hindi siya natatakot na mawalan ng suporta gaya ng sinasabi ng minorya dahil sa umano’y ginagawa niyang pambabraso sa mga miyembro ng super majority na tutol sa priority bill na ito ng administrasyon.

Una na kasing nagbanta si Alvarez na kaniyang papalitan sa puwesto ang mga house leaders at sisibakin sa koalisyon ang mga kongresistang tutol sa death penalty bill.

Giit ni Alvarez na hindi basta banta lamang ang kaniyang deklarasyon laban sa mga super majority members na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *