Makabayan bloc, handang isakripisyo ang posisyon sa Kamara para ipaglaban ang anti-death penalty stance

National News

Handa ang Makabayan bloc sa Kamara na isakripisyo ang kanilang posisyon sa mga komite sa Kapulungan.

Ito ay matapos ang panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa supermajority sa Kamara na bumoto pabor sa pagbabalik ng parusang bitay.

Pero ayon sa grupo, hindi nila isasakripisyo ang kanilang posisyon laban sa death penalty.

Gayunman, kinikilala pa rin ng grupo si Alvarez bilang House speaker hangga’t kinikilala umano nito ang independence ng Makabayan bloc.

Ang Makabayan bloc ay miyembro ng supermajority sa Kamara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *