Pag-aresto kay Senador De Lima, hindi haharangin ng Senado ayon kay Senador Pimentel

National News

Tiniyak ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na hiniya niya haharangin sakaling arestuhin man at ikulong si Senador Leila De Lima.

Ito ang inihayag ni Pimentel, sakaling lumabas na ang warrant of arrest laban kay De Lima sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sinabi ni Pimentel na hindi exempted ang mga senador sa criminal liability lalo na kung ang parusa ay pagkakabilanggo ng anim na taon pataas.

Paliwanag pa ni Pimentel na ang drug cases ay hindi konektado sa mandato ng isang senador, kaya’t hindi maaaring isampa sa Sandiganbayan ang kaso kapag nagkaroon na ng resolusyon ang prosecutor.

Una ng inihayag ni De Lima na anumang oras ay magpapalabas na ng resolusyon ang DOJ sa mga kasong isinampa laban sa kaniya at posibleng mag-isyu na ng warrant of arrest ang korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *