Paghuhukay sa apat na malalaking ilog sa bansa, aprubado ni Pangulong Duterte

National News

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong magsagawa ng dredging o paghuhukay sa apat na malalaking ilog sa bansa.

Ito ay para mapalalim at paalis ang mga nakatambak na lupa sa riverbed ng mga ilog na nagdudulot ng mga pagbaha.

Inatasan ng pangulo ang Department of Environment and Natural Resources, Department of Agriculture, at Department of Public Works and Highways na agad na simulan ang dredging sa Agusan River, Rio Grande De Mindanao, Pampanga River at Cagayan River.

Kasabay nito ang mahigpit na bilin ng pangulo sa pagpapatupad ng total logging ban sa mga kabundukan para maprotektahan ang mga natitira pang watershed sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *