Pangulong Duterte, ipinagmalaki ang pagbabago sa Bureau of Customs

National News

Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malaking pagbabago sa Bureau of Customs sa nakalipas na unang pitong buwan sa kaniyang administrasyon.

Ipinagmalaki rin ng pangulo ang mataas na koleksyon ng BOC na nalagpasan ang mga itinakdang target collection.

Umaasa si Duterte na mawawala na ang pangit na imahe ng BOC na isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng gobiyerno.

Naniniwala si Pangulong Duterte na makakatulong ang mga CCTV camera na may live streaming online para mamonitor kahit ng mga ordinaryong mamamayan ang mga transaksyon sa loob ng BOC.

Hinimok din ni Duterte ang taongbayan na agad i-report ang anumang aktibidad na may halong katiwalian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *