Higit 100 kongresista, umapela kay Pangulong Duterte na ituloy ang peace negotiations sa mga komunistang grupo

National News

Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit sa isandaang kongresista na ipagpatuloy ang peace negotiations sa mga komunistang grupo.

Naghain ng resolusyon ang Makabayan Bloc kung saan nanawagan ang isandaan at tatlong kongresista kay Pangulong Duterte na ipagpatuloy ang peace talks dahil na rin sa unprecendented at significant advances na nabuo sa agenda ng negosasyon.

Giit ng grupo, na kumpara sa mga nagdaang administrasyon, ang peace negotiations sa Duterte administration ay humantong sa anila’y “remarkable” at “unparalleled” na punto.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay kinansela ni Pangulong Duterte ang unilateral ceasefire ng gobyerno at peace negotiations sa komunistang grupo.

Kasunod ito sa pag-anunsyo ng CPP-NPA-NDF na iniuurong nila ang kanilang unilateral ceasefire makaraang mabigo ang pamahalaan na palayain ang may apatnaraang political prisoners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *