Joma Sison, hinimok si Duterte na ituloy ang usaping pangkapayapaan

National News

Hinimok ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Chief Political Consultant Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang usaping pangkapayapaan.

Sa isang statement, ipinunto ni Sison na hindi dapat balewalain ng dalawang partido ang mga napag-usapan na sa negosasyon.

Ani Sison, maituturing na pinakamalaking achievement sa usaping pangkapayapaan ng gobyerno sa NDFP ang palitan ng draft para sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) at Comprehensive Agreement on Political and Constitutional Reforms (CAPCR) na magsisilbing sagot sa armadong pakikibaka ng NPA.

Bukas din aniya ang NDFP na pirmahan ang bilateral ceasefire agreement sa kabila ng pagbawi ng NPA sa unilateral ceasefire.

Bagama’t naiintindihan ni Sison ang mga naging pahayag ni Duterte, sinabi niyang tila sumobra ang pangulo.

Iminungkahi ni Sison na konsultahin ng gobyerno ang peace panel at magkaroon ng back channeling negotiation para maresolba ang problema.

Matatandaang sinabi ni Duterte na wala na ang usaping pangkapayapaan sa NDFP matapos bawiin ng NPA ang unilateral ceasefire nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *