Pwersa ng Liberal Party, pinalalakas na ayon kay VP Robredo

National News

Inamin ni Vice President Leni Robredo na pinalalakas na nila ang Liberal Party.

Sa isang press conference, sinabi ni Robredo na sumalang sa strategic planning ang mga party members para palakasin ang kanilang core at sectoral membership.

Aminado naman ang VP na kakaunti lamang ang dumalo sa nasabing pagpaplano kabilang si Dating Pangulong Noynoy Aquino.

Hindi naman direktang sinagot ni Robredo kung may kinalaman ba ito sa kanilang paghahanda sa susunod na eleksyon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *