4 na miyembro ng NPA, patay sa engkuwentro sa Masbate

Regional

Patay ang apat na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makaengkuwentro ang mga sundalo sa Barangay Pangle, Aroroy, Masbate.

Ayon kay Major Virgilio Perez, tagapagsalita ng Southern Luzon Command (SOLCOM), nagpapatrulya sa nasabing lugar ang 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) sa pangunguna ni 1st Lieutenant April John Del Rosario nang makasugapa nito ang mga rebelde.

Narekober naman sa lugar ang limang baril.

Patuloy ang hot pursuit operation ng militar matapos ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *