NDRRMC kinumpirma ang 8 nasawi sa lindol sa Surigao; halaga ng pinsala, higit P100 milyon na

National News

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 8 ang bilang ng nasawi sa magnitude 6.7 na lindol sa Surigao.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, pahirapan ang pagkilala sa mga sugatan sa lindol.

Aniya, nasa 140 katao pa lamang ang tukoy sa higit 200 sugatan.

Wala namang napaulat na nawawala sa nangyaring lindol.

Nasa higit P100 milyon na ang halaga ng pinsala.

Sa ngayon ay nakapagpadala na ng aqua tabs at water filtration system sa mga apektadong lugar.

Plano rin ng NDRRMC na magtayo ng temporary learning centers para magtuluy-tuloy pa rin ang pasok sa eskuwelahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *