Ospital na pinagdalhan sa mga biktima ng sunog sa HTI ‘di raw kayang gamutin ang mga pasyente

Metro News

Naglabas ng sama ng loob ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa ospital na pinagdalhan sa mga biktima ng sunog na nangyari sa House Industrial Technologies (HTI) building sa General Trias.

Ayon kay Cavite Governor Boying Remulla, hindi kaya ng Divine Grace Medical Center na gamutin ang mga biktima ng sunog.

Dagdag pa ni Remulla, hindi nakikiisa ang ospital dahil hindi inaamin ng mga ito na hindi nila kayang gamutin ang mga pasyente.

Sa ngayon, aniya ay inaayos na ng Cavite Provincial Health Office ang paglilipat sa mga pasyente sa ibang ospital.

Nasa 12 pa ang mga biktima ng sunog na nasa Divine Grace Medical Center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *