Pangulong Duterte, nagpalabas ng P2-bilyong tulong para sa mga biktima ng lindol

National News

Nagpalabas ng P2 bil­yon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga biktima ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao City.

Kahapon ay personal na namahagi ng tulong si Pangulong Duterte sa mga biktima ng lindol.

Nalungkot ang pangulo sa nangyaring trahedya sa lugar na ikinasawi ng 7 katao.

Sa kabila nito, nagawa namang magbiro ni Duterte na sinuklian naman ng halakhak ng nakikinig na mga biktima ng lindol.

Sinabi ni Duterte na nang kanyang malaman ang insidente ay nais na niyang magtungo agad sa Surigao subalit hindi naman daw makalapag ang helicopter sa lugar.

Kasabay nito, tiniyak ng pangulo na lahat ng mga biktima at maging ang mga kamag-anak ng mga nasawi ay makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.

Naroon din sa Surigao si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo para mamahagi ng tulong sa mga biktima ng lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *