TNT Ka TropaKaTropa, lamang na sa best of seven semifinals kontra sa Beermen, wagi vs San Miguel Beermen

Sports

Lamang na sa 2-1 sa best of seven semifinals ang TNT KaTropa kontra sa San Miguel Beermen.

Pinangunahan ni Ranidel Ocampo ang KaTropa na may 24 puntos at siyam na rebound samantalang bumida rin ang 22-career high points ni RR Pogoy.

Hawak pa ng Beermen ang kalamangan sa third quarter ng laro.

Nasayang naman ang ginawang 19 puntos ni Alex Cabagnot at Marcio Lassister ng Beermen.

Natapos sa iskor na 98-92 ang ikatlong sagupaan ng SMB at TNT para sa semifinals ng 2017 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *