32 patay sa isang bus accident sa Taiwan

International News

Tatlumpu’t dalawa ang patay matapos maaksidente ang isang bus sa Taiwan.

Sakay ng nasabing bus ang matatandang Taiwanese na bumisita para makita ang seasonal cherry blossoms sa isang farm doon.

Sa lakas ng impact ay nasira ang harapang bahagi ng bus at tumilapon pa sa kalsada ang mga pasahero nito.

Nasa ospital naman ang 12 iba pa.

Inaalam pa kung nag-overspeed ang sasakyan.

Nagpaabot naman na ng kanilang pakikiramay sina Taiwan President Tsai Ing-Wen at Premier Lin Chuan.

Ito na ang pinakamalalang aksidente sa kalsada sa Taiwan sa loob ng tatlong dekada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *