Aguirre, pinasungalingan ang paratang ni De Lima sa DOJ resolution

National News

Pinasinungalingan ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang akusasyon ni Senadora Leila de Lima na minamadali umano ng DOJ ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Binigyang-diin ni Aguirre na maling-mali ang naging pahayag ni De Lima na ang DOJ ang nasa likod ng mga hakbang para mapabilis ang paglalabas ng warrant of arrest ng korte laban sa senadora.

Tinawag pa ni Aguirre na iresponsable si De Lima lalo’t isa itong abugada at dati pang kalihim ng DOJ.

Mistulang pinalalabas umano ni De Lima na may control ang DOJ at iniimpluwensiyahan nito ang mga korteng hahawak sa kanyang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *