Nagpakalat ng BuCor confidential memo sa pagbabalik ng prebilehiyo sa inmates, kakasuhan ng DOJ

National News

Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong administratibo ang nagpakalat ng confidential memo ng Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay ng pagbabalik sa prebilehiyo ng inmates ng New Bilibid Prison (NBP).

Inatasan na rin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si BuCor Director General Benjamin Delos Santos na alamin kung bakit nag-leak ang nasabing memo na may petsang Disyembre 9, 2016.

Una nang inakusahan ni Senadora Leila de Lima si Aguirre na nagpahintulot sa inmates na makagamit muli ng cellphones, kapalit ng umano’y naging pagtestigo ng mga ito sa pagdinig ng Kamara para idiin ang senadora sa illegal drug trade sa NBP.

Maliban pa rito, pinayagan din umano ang mga inmate na gumamit ng internet.

Hugas-kamay naman si Aguirre sa alegasyon ni De Lima at iginiit na wala siyang direktibang bigyan ng prebilehiyo ang high profile inmates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *