‘Oplan Tokhang’, gagamitin ding istratehiya ng PNP kontra sa illegal gambling

National News

Gagamitin pa rin ng Philippine National Police (PNP) ang “Oplan Tokhang” bilang istratehiya sa paglaban sa illegal gambling.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni PNP Spokesperson Senior Superintendent Dionardo Carlos na dahil epektibo ang “Oplan Tokhang” sa war on drugs ng PNP ay di-malayong gamitin din ito sa war on illegal gambling.

Iginiit din ni Carlos na hindi magiging madugo ang laban kontra sa illegal gambling sa naging laban ng PNP kontra sa droga.

Kahapon ay inanunsiyo ng PNP ang pagsisimula ng kanilang laban kontra sa illegal gambling samantalang nakabinbin ang kanilang laban kontra sa droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *