Pagdinig ng Committee on Public Services sa common station project, di malinaw

National News

Dismayado ang ilang dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe, kaugnay ng 2.8 billion pesos na common station project na magkokonekta sa LRT-1, MRT-3 at MRT-7.

Ito ay dahil sa kawalan umano ng malinaw na sagot mula sa mga opisyal na resource persons.

Una nang iginiit ni Bayan Secretary General Renato Reyes na walang konsultasyon sa commuters group ang nasabing proyekto.

Pero giit ni Atty. Oscar Paras, Jr., project director ng MRT-7 na nagkaroon sila ng konsultasyon sa commuters group.

Sa pagdinig ng Senado, hiningi ni poe kay paras na pangalanan kung anong commuters group ang kanilang nakonsulta.

Sa halip na pangalanan, sinabi ni paras na kanilang aalamin at isusumite sa komite ang commuters group na nakonsulta sa proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *