Bilang ng patay sa nangyaring lindol sa Surigao, umakyat na sa 10

Regional

Umakyat na sa sampo ang bilang ng mga namatay sa nangyaring 6.7 magnitude na lindol sa Surigao City noong Biyernes ng gabi.

Sa pinakahuling tala, kabilang sa sampung namatay sina Janette Salvacion at si Julita Tuldo pitong taong gulang na sanggol.

Nabatid na namatay ang dalawang biktima sa mga sunod-sunod na aftershocks na nararanasan sa siyudad.

Ang walong iba pang nasawi ay sina Lorenzo Deguino, Jm Ariar, Wilson Lito, Justina Roda, Grobert Eludo, Wenefreda Bernal, Jenelyn Ebale at Rommel Tano.

Samantala, mahigit na rin sa dalawang daang katao ang naitatalang sugatan sa nangyaring lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *