German hostage ng Abu Sayyaf na si Jurgen Kantner, umapela ng tulong

National News

Isang German hostage ng Abu Sayyaf ang umapela ng tulong sa mga awtoridad.

Sa isang video, makikita ang biktima na kinilalang si Jurgen Kantner, 70 anyos, na napapaligiran ng mga lalaki na armado ng matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay Kantner, kung hindi mabibigay ang hinihiling na 30 milyong pisong  ransom ng Abu Sayyaf ay pupugutan siya ng mga ito.

Dinukot ng bandidong grupo si Kanter sa karagatan ng Sabah noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Pero sa kabila ng apela ng biktima, nanindigan ang militar sa “no ransom policy” ng gobyerno kontra sa mga teroristang grupo.

Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Col. Edgard Arevalo na kinukumpirma pa nila ang nasabing video.

Tiniyak rin ni Arevalo na ginagawa ng gobyerno ang lahat para masagip ang mga bihag ng Abu Sayyaf.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *