Mga lokal na opisyal, nangunguna sa pinakamaraming kaso sa Ombudsman

National News

Nanguna ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa bilang ng pinakamaraming kinasuhan sa Office of the Ombudsman para sa taong 2016.

Batay sa report ng Ombudsman’s finance and management information office, may kabuuang 2,799 ang kasong isinampa laban sa mga opisyal ng local government units (LGU’s).

Sa bilang na ito ay nanguna ang mga opisyal ng munisipyo na sinundan ng baranggay at provincial officials na pawang naharap sa mga kasong administratibo at kriminal.

Pumangalawa naman ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP)  kung saan nasa 1,022 naman ang mga kasong naisampa laban sa kanila ng anti-graft body.

Pangatlo naman ang Department of Education,  habang ang ilan pang kasama sa top 10 ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Department Of Environment and Natural Resources (DENR), State Universities and Colleges, Bureau of Customs, Department of Justice (DOJ), Department of Agriculture at House of Representatives.

Ito ang datos ng Ombudsman simula noong taong 2011.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *