Mga manggagawang kinaltasan ng buwis noong 2008, pinababalik ng Korte Suprema

National News

Pinababalik ng Korte Suprema sa Bureau of Internal Revenue ang buwis na kinaltas sa mga manggagawa na kumita ng minimum na sahod mula hulyo hanggang Disyembre ng taong 2008.

Makakatanggap rin ng refund ang mga kumita ng minimum na kinaltasan ng 13th month pay at iba pang bonus at benepisyo na hindi hihigit sa 30 thousand pesos.

Matatandaan na sa bisa ng Republic Act 9504 na naging batas noong june 2008, ginawang exempted sa income tax ang mga minimum wage earners.

Pero sa halip na full-year implementation, ipinatupad ng BIR ang batas sa nalalabing anim na buwan ng taong 2008 o mula July 2008 lamang.

Kinuwestiyon ito ng ilang senador at grupo ng mga manggagawa sa Korte Suprema.

Sa desisyon ng sc, sinabi nito na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Department of Finance at BIR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *