Mga pulis na sasabak sa giyera kontra illegal gambling, dapat i-lifestyle check muna

National News

Hinamon ng isang mambabatas si Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na isailalim muna sa lifestyle check ang mga pulis bago isabak sa giyera kontra iligal na pasugalan.

Ayon kay Magdalo Party-List Representative Gary Alejano, ay dahil ilang pulis ang tumatanggap ng payola mula sa mga gambling lords kapalit ng proteksyon.

Maaari naman aniyang isagawa ng Office of the Ombudsman o ng National Police Commission ang lifestyle check sa kapulisan.

Dapat naman aniyang ikabahala ng publiko kung tatanggi ang PNP sa kaniyang hamon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *