Surigao del Norte, isinailalim na sa state of calamity dahil sa 6.7 magnitude na lindol

Regional

Isinailalim na sa state of calamity ang Surigao Del Norte makaraang tamaan ng 6.7 magnitude na lindol noong Biyernes.

Ayon kay April Rose Sanchez, Office of the Civil Defense (OCD)- Caraga, nagpasa ng resoluyon ang provincial board para ideklara ang state of calamity sa nasabing probinsiya dahil na rin sa malalang pinsala na iniwan ng lindol.

Kabilang sa napinsala ng lindol ang Anao-aon Bridge sa Bayan ng San Francisco, mga imprastraktura at kabahayan, at mga kalsada sa Barangay Baya-ag at Biabid sa Bayan ng Sison at sa munisipalidad ng mainit.

Napinsala rin ang ilang bahagi ng Surigao City Trade School, Provincial Guests Center sa Dinagat, Surigao State College of Technology at Yuipco Building.

Pansamantala namang isasara ng isang buwan ang Surigao City Airport para sa pagkukumpuni nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *