Gen. Dela Rosa, humingi ng paumanhin sa Korean Community sa sinapit ng kanilang kababayan

National News

Personal na humingi ng paumanhin si Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa sa harap ng Korean Community sa Clark, Pampanga dahil sa sinapit ng kanilang kababayan na si Jee Ick Joo.

Ipinangako naman ni dela rosa na hindi na mangyayari sa iba pang koreano sa bansa ang malagim na sinapit ng negosyante.

Tinatayang nasa 20 Koreano ang naninirahan sa Pampanga habang nasa 90,000 Koreano naman ang naninirahan sa buong Pilipinas.

Una nang nakipagkita si Dela Rosa kay Korean Ambassador to the Philippines Kim Jae-shin at mga lokal na opisyal sa pampanga.

Pagpasalamat naman si Kim sa ginawang aksyon ng PNP sa kaso ni Jee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *