Trillanes, lumang istorya na ang ibinabatong mga isyu laban kay Duterte

National News

Mga lumang istorya na ang ibinabato ngayon ni Senador Antonio Trillanes IV laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa bank accounts umano nito.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ilang araw bago ang eleksiyon noong Mayo 2016 ay nasagot na ang naturang isyu.

Kasabay nito’y hinamon ni Abella si Trillanes na magsampa ng kaso sa korte laban kay Duterte kung may bago sa alegasyon nito laban sa pangulo.

Pinayuhan din ni Abella si Trillanes na magpokus na lamang sa pagtulong sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *