Biyuda ng pinaslang na Koreano na si Jee Ick Joo, may apela kay Pang. Duterte

National News

Umapela ang biyuda ng pinaslang na Koreano na si Jee Ick Joo kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag payagan ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa kaso ng kaniyang asawa.

Sa isang liham, sinabi ni Choi Kyung Jin na wala siyang tiwala sa nbi-pnp Task Force para hawakan ang kaso ng asawa.

Ito ay dahil na rin umano sa pagkakadawit ng ilang opisyal ng nbi sa pagdukot at pagpatay kay Jee.

Sa halip, hinimok ni Choi ang Pangulo na ipasa sa PNP Anti-Kidnapping Group ang nasabing kaso.

Ipinaalam na rin umano ni Choi kay nbi Director Dante Gierran ang desisyon nitong bawiin ang inihaing reklamong carnapping at robbery sa nbi National Capital Region (NBI-NCR).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *