Magkakasunod na sunog, sumiklab sa magkakahiwalay na lugar sa Pasay

Metro News

Sumiklab ang magkakahiwalay na sunog sa Lunsod ng Pasay ngayong araw.

Unang tinupok ng apoy ang isang bodega ng mga damit sa bahagi ng Taft Avenue Extension, Pasay City.

Ayon kay Pasay City Fire Marshal Superintendent Carlos Dueñas, nagmula ang apoy sa hilera ng mga tiangge sa lugar.

Tinatayang aabot sa P50,000 ang halaga ng mga nasunog na gamit.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago idineklarang fire out.

Samantala, mahigit 30 bahay ang nasunog sa Davit Street, Barangay 23, Buendia, Pasay City.

Ayon sa ulat, napabayaang kandila ang pinagmulan ng apoy dahil wala umanong kuryente ang bahay.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *