Pampasaherong bus, hinoldap sa QC; 1 sugatan

Metro News

Sugatan ang isang pasahero matapos ang panghoholdap sa isang bus sa kahabaan ng NIA Road, Quezon City.

Ayon sa ulat, nanlaban umano ang biktima kaya nabaril ito sa binti ng isa sa mga suspek.

Kuwento naman ng mga pasahero, agad na nagdeklara ng hold-up ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek nang sumakay sa Seven Sky Express Liner.

Natangay sa mga pasahero ang cellphones, wallet at pera.

Agad namang ini-report ng driver ng bus at labing-apat na pasahero ang insidente sa pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *