Mahigit 100 flights ng Cebu Pacific at CEBGO, kanselado dahil sa Tagaytay radar shutdown

National News

Kanselado ang mahigit isandaang flights ng Cebu Pacific at CEBGO dahil sa anim na araw na maintenance shutdown ng air traffic radar sa Tagaytay.

Kabilang dito ang mga biyaheng patungong Bacolod, Cagayan De Oro, Cotabato, Davao, General Santos, Iloilo, Kalibo, Legazpi, Puerto Princesa, Cebu, Caticlan, Kalibo, Legaspi, Tagbilaran, Tuguegarao, Tacloban, Dumaguete at Zamboanga ng Cebu Pacific.

Kanselado rin ang mga biyaheng patungong Cauayan, Caticlan, Kalibo, Legazpi at Naga ng CEBGO.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang mga ticket.

Magsisimula ang maintenance sa Marso a-sais hanggang Marso a-onse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *