Pangalawang ‘comeleak’, sinimulan nang imbestigahan ng NPC

National News

Sinimulan na ng National Privacy Commission (NPC) ang imbestigasyon sa pagnanakaw sa computer ng Commission on Elections (COMELEC) sa Lanao Del Sur.

Ang nasabing pagnanakaw ang ikalawang malakihang data breach sa mga botante sa bansa.

Sinunod na rin ng COMELEC ang utos ng NPC na alisin ang listahan ng mga rehistradong botante na nasa higit isang libong municipal elections offices sa buong bansa.

Inamin din ni NPC Executive Director Jose Tolentino, Jr. na dalawang linggo pa bago nai-report ng COMELEC ang insidente ng pagnanakaw sa Wao, Lanao Del Sur dahil sa akala ng mga ito ay simpleng pagnanakaw lang ang nangyari.

Nilinaw naman ni Privacy Commissioner Raymund Liboro na hiwalay ang insidente sa ‘comeleak’ kung saan ay na-hack at nag-leak ang datos ng mga botante mula sa COMELEC website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *