Pangulong Duterte , muling binanatan ang mga nakaraang administrasyon dahil sa pansariling interes

National News

Muling pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nakaraang administrasyon dahil sa kabiguang maiangat ang kabuhayan ng nakararaming Pilipino.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming 2017 sa Fort Del Pilar, Baguio City.

Sinabi ni Duterte, na tahasang isinulong ng mga nakaraang gobyerno ang mga polisiyang ang mga ito o iilan lamang ang nakinabang.

Dahil dito, lumawak umano ang pagitan ng mahihirap sa mayayaman, lumala ang kurapsiyon, kriminalidad at illegal drugs sa bansa.

Kaugnay nito, nangako ang pangulo na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay maibibigay sa lahat ang basic human services gaya ng pagkain, pangkalusugan, tubig, sanitation, pabahay, edukasyon at economic opportunities para sa komportableng buhay.

Tiniyak din ni Duterte ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *