PCG-Cebu, bumuo ng investigation team na mag-iimbestiga sa salpukan ng fast craft at barge sa Mactan Channel

Regional

Bumuo ang Philippine Coast Guard (PCG)-Cebu Station ng investigation team na mag-iimbestiga sa nangyaring salpukan ngM/V Saint Braquiel fast craft at SMCA barge sa Mactan Channel sa ilalim ng Mandaue-Mactan Bridge nitong gabi ng Sabado.

Sinabi ni PCG-Cebu Station Commander Dionnellete Ampil, na hinihintay nila ang Marine protest bago sila maglabas ng pahayag kaugnay sa nasabing insidente.

Ayon kay Ampil, 58 mula sa 90 pasaherong sakay ng fast craft kabilang na ang crew, ang dinala sa pagamutan.

Apat naman ang nasa kritikal na kalagayan kasama na ang kapitan ng fast craft na si Captain Reniero Maurinsamantalang wala namang nasugatan sa mga crew ng barge.

Sa pahayag ng 2GO Shipping Lines at may-ari ng fas craft, sasagutin na nila ang gastos sa pagpapagamot ng mga biktima.

Samantala, nabatid na dadaong na sana ang barge na dala ni Captain Edgardo Binolirao, sa Ouano Wharf sa Lunsod ng Mandaue, Cebu nang maganap ang banggaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *