Senadora Leila De Lima, maghahain ng panibagong petisyon sa korte

National News

Nakahandang maghain ang kampo ni Senadora Leila De Lima ng panibagong petisyon sa korte kapag na-raffle na ang kanyang kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Ayon sa kampo ng senadora, gagawin nila ang lahat ng ligal na paraan para maidepensa si De Lima.

Una rito, nabigo ang mambabatas na makakuha ng temporary restraining order(TRO) sa Court of Appeals (CA) laban sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaya naiakyat ito sa Muntinlupa RTC.

Samantala, nitong weekend ay dumalo si De Lima sa “Walk for Life” na inorganisa ng mga grupong tumututol sa panukalang pagbuhay ng death penalty sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *